Sa pangunguna ni Punong Ministro Mohammad Mustafa, nanumpa sa tungkulin, Marso 31, 2024 sa Ramallah, kanlurang pampang ng Ilog Jordan ang bagong pamahalaan ng Palestina.
Ayon sa ulat ng media ng Palestina, ang bagong pamahalaan ay binubuo ng 23 ministro, at si Mustafa ang siya ring humahawak sa tungkulin ng ministrong panlabas.
Kabilang sa pangunahing gawain ng bagong pamahalaan ay pagkakaloob ng makataong tulong sa mga Palestino sa Gaza Strip, rekonstruksyon ng Gaza Strip at lugar sa kanlurang pampang ng Ilog Jordan, at pagpapatatag ng kalagayang pangkabuhayan ng Palestina.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio