Agarang tigil-putukan sa Gaza sa panahon ng Ramadan, hiniling ng resolusyon ng UNSC

2024-03-26 15:28:37  CMG
Share with:


Pinagtibay, Marso 25, 2024 ng United Nations Security Council (UNSC) ang resolusyong bilang 2728, kung saan humihiling na agarang itigil ang putukan sa Gaza Strip sa panahon ng Ramadan, upang isakatuparan ang pangmalayuan at sustenableng tigil-putukan.

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataong pinagtibay ng UNSC ang resolusyong humihiling ng agarang tigil-putukan sa Gaza Strip, sapul nang i-upgrade ang sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel noong Oktubre 7 ng nagdaang taon.

 

Sa pagboto nang araw ring iyon, sang-ayon sa panukalang resolusyong ito ang 14 na kasapi ng UNSC na kinabibilangan ng Tsina, samantalang umiwas ang Amerika.

 

Hiniling din ng resolusyon na walang pasubaling palayain kaagad ang mga dinukot na tauhan, at igarantiya ang humanitarian access sa kanila, upang matugunan ang pangangailangang medikal at ibang makataong pangangailangan nila.

 

Humiling din ang resolusyon sa iba’t ibang panig na sundin ang kaukulang obligasyong itinakda ng pandaigdigang batas.

 

Sa kanyang talumpati pagkatapos ng pagboto, ipinaliwanag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na may kabawalan ang resolusyon ng UNSC, at hinihiling ng Tsina sa may kinalamang panig na isabalikat ang mga obligasyong itinakda ng Karta ng UN, at isagawa ang kinakailangang aksyon batay sa kahilingan ng resolusyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil