Tsina, hinihimok ang Pilipinas na itigil ang probokasyon sa South China Sea

2024-04-02 16:25:12  CMG
Share with:

Sinabi, Abril 1, 2024, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng Tsina ang Pilipinas na agarang itigil ang pakikialam sa soberanya ng Tsina at ang probokasyon nito sa Ren’ai Jiao, at bumalik sa obserbasyon ng diwa ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

 

Ginawa ni Wang ang komento hinggil sa pahayag na inilabas nitong Marso 29 ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas at komento Marso 30, ni Jonathan Malaya, Asistanteng Direktor Heneral ng National Security Council ng Pilipinas, hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS).

 




Tinukoy ni Wang na ang Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao, ay palagiang teritoryo ng Tsina. Ang saklaw ng teritoryo ng Pilipinas ay itinakda ng ilang internasyonal na kasunduan, habang ang Nansha Qundao ng Tsina ay lampas sa mga limitasyon ng teritoryo ng Pilipinas.

 

Saad ni Wang, sinisikap ng Pilipinas na itago ang katotohanang sinira nito ang mga pangako, nilabag ang soberanya, at isinasagawa ang probokasyon sa Tsina. Ito ang tanging praktikal na paliwanag para sa mga maling akusasyon ng Pilipinas laban sa Tsina.

 

Sinabi niya, na ang katotohanan sa isyu ng Ren’ai Jiao ay balikan ng Pilipinas ang mga salita nito. “Ito ay gumawa ng isang seryosong pangako na hilahin ang iligal na isinadsad na barkong pandigma, pero 25 taon na ang lumipas, ang sasakyang pandagat ng Pilipinas ay naroon pa rin.”

 

Sinira ng Pilipinas ang pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang panig hinggil sa maayos na paghawak sa situwasyon ng Ren’ai Jiao at nangako ito na hindi palalakasin ang iligal na isinadsad na barkong pandigma at ipaalam ng maaga sa Tsina ang mga plano ng muling pagsusuplay, dagdag pa ni Wang.

 

Gayunpaman, tumanggi ang Pilipinas na tuparin ang pangako nito at sinubukang magpadala ng mga materyales na pangkonstruksyon para sa malakihang pagkukumpuni at pagpapalakas ng barkong pandigma upang permanenteng sakupin ang Ren’ai Jiao.

 

Ani Wang, nilabag ng Pilipinas ang DOC na magkasamang nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN. Ang Ren’ai Jiao ay hindi pwedeng tirhan ayon sa Artikulo 5 ng DOC, dapat panatilihin ng mga panig ang estado nito sa pagho-host ng zero personnel at mga pasilidad. Gayunpaman, sinabi sa publiko ng tagapagsalita ng militar ng Pilipinas na itatayo ang permanenteng estruktura sa Ren’ai Jiao.

 

Ipinunto din ni Wang na paulit-ulit ding nagpapadala ang Pilipinas ng mga tauhan sa Tiexian Jiao ng Tsina at iba pang mga isla at bahura na hindi pwedeng tirhan, na pagmamay-ari ng Tsina sa SCS, na malubhang lumabag sa mga prinsipyo ng DOC.

 

Sinabi ni Wang na “ang Pilipinas ay sinusuportahan ng puwersang panlabas, binabalikan ang mga sinabi nito, at gumagawa ng mga probokasyon. Ito ang totoong dahilan ng kaslaukuyang tensyon sa dagat.”

 

Binigyan-diin niya na walang itatago ang katotohanan, at walang sinuman ang dapat na maging itim sa puti.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil