Tsina sa Amerika: huwag makialam sa mga isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas

2024-03-29 11:29:56  CMG
Share with:

Sinabi, Marso 27, 2024 ni Defense Secretary Lloyd Austin ng Amerika na matatag na susuportahan ng kanyang bansa ang pangangalaga ng Pilipinas sa soberanya at karapata’t kapakanang pandagat sa South China Sea (SCS).

 

Binatikos din niya ang umano’y “mapanganib na aksyong militar” ng Tsina.

 

Kaugnay nito, inihayag Huwebes ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Amerika ay walang kinalamang panig sa isyu ng SCS, kaya hindi dapat ito makialam sa mga isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

 

Hinding hindi babaguhin ng U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty ang matibay na mithiin at determinasyon ng Tsina sa pagtatanggol sa teritoryal na soberanya at karapatan’t kapakanang pandagat ng sariling bansa, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil