CCG: Mga bapor ng Pilipinas, isinagawa ang mga iligal na aktibidad sa karagatan ng Houteng Jiao

2024-04-06 19:32:34  CMG
Share with:

Ipinahayag Abril 6, 2024 ni Gan Yu, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), na noong Abril 4, inorganisa ng panig Pilipino ang mga bapor para isagawa ang mga iligal na aktibidad sa karatagan ng Houteng Jiao at hinawakan ng CCG ang insidenteng ito batay sa batas.


Ani Gan, istandard at propesyonal ang mga ginawang hakbangin ng panig Tsino sa lugar na pinangyarihan ng insidente at may di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Houteng Jiao at karagatan sa paligid nito.


Saad niya na isinagawa ng mga bapor ng Pilipinas ang panghihimasok at probokasyon sa pangangatuwiran ng pangangalaga sa pangingisda, inorgansa ng panig Pilipino ang mga media para sulsulan at iligaw ang pampublikong opinion, at sustenableng sinara nito ang katatagan ng South China Sea (SCS).


Seryosong ipinahayag ni Gan na walang bisa ang anumang aksyon at plano ng panghihimasok ng panig Pilipino.


Saad pa niya na patuloy na isasagawa ng CCG ang regular na aksyon ng pagpapatupad ng batas sa karagatan ng Tsina at matatag na pangalagaan ang soberanya, teritoryo at karapatang pandagat.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil