Panig militar ng Tsina at Amerika, pinag-usapan ang seguridad ng dagat at langit

2024-04-06 13:59:20  CMG
Share with:

Mula Abril 3 hanggang 4, 2024, idinaos sa Hawaii ng panig militar ng Tsina at Amerika ang pulong ng Military Maritime Consultative Agreement (MMCA) Working Group para tapat at konstruktibong pag-usapan ang kasalukuyang kalagayan ng dalawang bansa sa dagat at langit.


Bukod dito, tinasahan ng dalawang panig ang kalagayan ng pagsasakatuparan ng Rules of Behavior for the Safety of Air and Maritime Encounters sapul noong 2021 at tinalakay ang mga hakbangin para pabutihin ang seguridad na militar ng dalawang bansa sa dagat.


Tinukoy ng panig Tsino na matatag na tinutulan ang anumang paraan ng pagbabanta sa soberanya at seguridad ng Tsina sa pangangatuwiran ng kalayaan ng paglalayag at pagsasahimpapawid.


Idiniin ng panig Tsino na patuloy na gagamitin ng hukbong Tsino ang mga katugong hakbangin sa lahat ng mga probokasyon para pangalagaan ang sariling teritoryo, soberanya, at karapatang pandagat, at pangalagaan ang panrehiyong kasaganaan, kapayapaan at katatagan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil