Turismo ng Tsina sa bakasyon ng Qingming, umunlad

2024-04-07 15:49:08  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, Abril 6, 2024, malaki ang pag-unlad ng turismo ng bansa sa 3-araw na bakasyon para sa Araw ng Qingming (Abril 4 hanggang Abril 6).

 

Ayon dito, umabot sa 119 milyon ang bilang ng mga domestikong turista ng Tsina, na lumaki ng 11.5% kumpara sa gayunding panahon ng 2019.

 

Ang halaga naman ng kita ay nasa 53.95 bilyong yuan o halos $US7.6 bliyon – mas malaki ng 12.9% kumpara sa gayunding panahon ng 2019.

 

Bukod dito, pumasok sa Chinese mainland ang higit 1 milyong dayuhang turista, samantalang 992 libong Tsino ang naglakbay sa ibayong dagat.

 

Ang Araw ng Qingming ay tinatawag din bilang Tomb-Sweeping Day, at isang mahalagang okasyon para sa pag-aalay ng sakripisyo ng mga Tsino sa mga kanilang ninuno.

 

Maraming Tsino ang naglalakbay sa bakasyong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio