Qingming at Undas, magkahalintulad na Pestibal ng Pilipinas at Tsina: okasyon ng paggunita sa mga namayapa at muling pagsasama-sama ng buong angkan

2021-04-04 08:45:22  CMG
Share with:

Qingming at Undas, magkahalintulad na Pestibal ng Pilipinas at Tsina: okasyon ng paggunita sa mga namayapa at muling pagsasama-sama ng buong angkan_fororder_VCG211149104914

 

Pumasok ngayong araw, Abril 4, 2021 ang ikalima sa dalawampu’t apat na solar term ng Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, at ito ay tinatawag na Qingming.

 

Tatagal ito hanggang Abril 19 sa taong ito.

 

Ang Qing ay literal na nangangahulugang “malinaw” at Ming naman ay “maliwanag.” 

 

Tulad ng kahulugan nito, ang panahon ay maaliwalas, komportable at maliwanag, dahil ito ay dumarating sa kalagitnaan ng Tagsibol.

 

Bukod sa pagiging ikalimang solar term ng Nong Li, alam ba ninyong ang Qingming ay isa ring tradisyunal na pestibal ng Tsina na halos kapareho ng isang piyesta-opisyal ng Pilipinas?

 

Ano ang piyesta-opisyal ito? Ang Todos Los Santos o kilala rin  bilang Undas.

 

Pag-alaala sa mga namayapa

 

Qingming at Undas, magkahalintulad na Pestibal ng Pilipinas at Tsina: okasyon ng paggunita sa mga namayapa at muling pagsasama-sama ng buong angkan_fororder_VCG211149794594

 

Tinatawag ding Pestibal ng Pagwawalis ng Puntod, ang Pestibal ng Qingming ay isang okasyon para sa mga Tsino upang gunitain at bigyang-galang ang mga ninuno at mga namayapang kamag-anakan – tulad ng Todos Los Santos.

 

At kagaya rin ng mga Pilipino tuwing Todos Los Santos, winawalis, nililinis at kinukumpuni ng mga Tsino ang mga puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay; dinadalhan ng mga bulaklak, inaalayan ng mga pagkain at prutas; at siyempre, dinadalaw kasama ang iba pang miyembro ng pamilya.

 

Dahil dito, ang Pestibal ng Pagwawalis ng Puntod ng Tsina at Todos Los Santos ng Pilipinas ay kapuwa pagkakataon para sa muling pagsasama-sama ng buong angkan.

 

Pero, dahil sa biglaang paglitaw ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinapayo ng pamahalaang Tsino sa mga mamamayan na gumamit ng digital na paraan ngayong Pestibal ng Qingming sa paggunita sa mga namayapang mahal sa buhay upang pangalagaan ang sarili laban sa pandemiya - tulad din ng nagyari sa Pilipinas noong nakaraang Todos Los Santos.

 

Pagbalik sa kalikasan

 

Sa kabilang dako, dahil ang Pestibal ng Qingming ay ginaganap sa kalagitnaan ng Tagsibol, kung kailan, ang bawat araw ay komportable at ang mga bulaklak ay namumukadkad, ito ay isang perpektong okasyon para sa pagbibiyahe at pamamasyal, at popular din ang pagpapalipad ng saranggola sa panahong ito.

 

Qingming at Undas, magkahalintulad na Pestibal ng Pilipinas at Tsina: okasyon ng paggunita sa mga namayapa at muling pagsasama-sama ng buong angkan_fororder_VCG211222911080

 

Sa maraming lugar sa Tsina, ang Qingming ay panahon din para sa pagtatanim ng mga puno. 

 

Qingming at Undas, magkahalintulad na Pestibal ng Pilipinas at Tsina: okasyon ng paggunita sa mga namayapa at muling pagsasama-sama ng buong angkan_fororder_VCG21gic20045082

 

Dagdag pa riyan, may isang popular na meryenda tuwing panahon ng Qingming, at ito ay ang Qingtuan.

 

Qingming at Undas, magkahalintulad na Pestibal ng Pilipinas at Tsina: okasyon ng paggunita sa mga namayapa at muling pagsasama-sama ng buong angkan_fororder_VCG211299928280

Qingming at Undas, magkahalintulad na Pestibal ng Pilipinas at Tsina: okasyon ng paggunita sa mga namayapa at muling pagsasama-sama ng buong angkan_fororder_VCG211200776830

Qingming at Undas, magkahalintulad na Pestibal ng Pilipinas at Tsina: okasyon ng paggunita sa mga namayapa at muling pagsasama-sama ng buong angkan_fororder_VCG211317165191

 

Ang Qing ay nangangahulugang “berde” at ang Tuan naman ay “bola.” 

 

Ito ay kadalasang gawa sa malagkit na pulbos ng bigas na inihalo sa katas ng nasa-panahong halaman at gulay na gaya ng Chinese mugwort/silver wormwood, o barley grass. Pinalalamnan din ito ng red bean paste, black sesame paste, at iba pa.

 

Ang pagbibiyahe sa Tagsibol ay isang tradisyon sa Tsina na may mahabang kasaysayan, at maraming Tsino ang naglalakbay upang ma-enjoy ang kalikasan, magsaya, at magpalakas ng katawan at isipan.

 

Qingming at Undas, magkahalintulad na Pestibal ng Pilipinas at Tsina: okasyon ng paggunita sa mga namayapa at muling pagsasama-sama ng buong angkan_fororder_VCG211201649702

 

Ang Tagsibol ay sagisag ng bagong taon at pag-usbong ng bagong pag-asa.

 

Sa pagharap ng kasalukuyang mundo sa mga hamon at panganib na dulot ng pandemiya, sana ay maging inspirasyon sa ating lahat ang Tagsibol upang pag-ibayuhin ang  pagtutulungan, at palakasin ang ating kompiyansa sa sariling kakayahan tungo sa tunay na tagumpay.

 

 

Artikulo: Rhio Zablan

Script-edit: Jade/Rhio

Web-edit: Jade/Sarah

Larawan:  CFP

Source: Jade 

Please select the login method