Kaugnay na magkakahiwalay na pagdalaw sa Tsina kamakailan ng mga mataas na opisyal ng mga bansa ng Timog-silangang Asya na kinabibilangan ng Indonesia, Laos, East Timor, Biyetnam, Thailand at Singapore, ipinahayag kahapon, Abril 8, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng naturang mga bansa sa pagpapasulong ng relasyon sa Tsina at kasama ng mga karatig na bansa, nakahanda ang panig Tsino na isagawa ang mapagkaibigang kooperasyon, palalimin ang pagtitiwalaan sa isa’t isa at pasulungin ang komong pag-unlad.
Sinabi ni Mao na ang mga karatig na bansa at rehiyon ay palagiang nasa priyoridad ng diplomasyang Tsino, at ang Tsina at mga bansa sa Timog-silangang Asya ay mabuting kapitbansa, matalik na magkaibigan at magandang partner.
Saad pa niya na ang Tsina at ASEAN ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng isa’t-isa nitong nakalipas na 4 na taong singkad.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil