Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isasagawa ni Pangulong Chandrikapersad Santokhi ng Suriname ang dalaw-pang-estado sa Tsina mula Abril 11 hanggang 17, 2024.
Kaugnay nito, inilahad ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mga aktibidad ng nasabing pagdalaw.
Sinabi ni Mao na habang mananatili sa Tsina si Pangulong Santokhi, magkasama nilang dadaluhan ni Pangulong Xi ang seremonya ng paglalagda ng mga dokumentong pangkooperasyon, at magkahiwalay na makikipagtagpo kina Premyer Li Qiang at Tagapangulong Wang Huning ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Aniya, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon ng dalawang bansa at kasama ng Suriname, nakahanda ang panig Tsino na ibayo pang palalimin ang pagtitiwaang pulitikal at palawakin ang mapagkaibigang pagpapalitan at aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil