Natapos, Abril 9, 2024 ni Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, ang pagdalaw sa Tsina.
Maraming bagong komong palagay ang narating sa kanyang biyahe, sa mga aspektong gaya ng pagpapasulong sa paglago ng kabuhayan at kooperasyong pinansyal.
Inihayag ni Yellen na dapat responsableng pangasiwaan ng panig Amerikano’t Tsino ang bilateral na ugnayang ekonomiko, at ayaw ng panig Amerikano ang pagkalas sa Tsina.
Para sa Amerika, maaaring tasahin ang tunay na “pagiging responsable” nito, batay sa ilang indeks.
Unang una, hindi dapat isapulitika ang isyung pangkabuhaya’t pangkalakalan, at likhain ang kawalang seguridad sa katuwiran ng seguridad.
Kailangang mapagtanto ng panig Amerikano na kung hindi babaguhin ang praktika nito sa pag-abuso ng ideya ng pambansang seguridad, maliit ang posibilidad ng pagbalik ng ugnayang ekonomiko nila ng Tsina sa tumpak na landas.
Bukod pa riyan, dapat sundin ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa ang kalakaran ng kabuhayan at alituntunin ng merkado.
Sa kanyang katatapos na pagdalaw, sinang-ayunan ng magkabilang panig na magpalitan ng kuru-kuro sa balanseng paglago ng kabuhayan ng dalawang bansa, maging ng buong mundo, sa ilalim ng balangkas ng economic working group, at tuluy-tuloy ding magsagawa ng pagpapalitan sa mga paksang gaya ng katatagang pinansyal, sustenableng pinansya, paglaban sa money-laundering at iba pa, sa ilalim ng balangkas ng financial working group.
Ang nasabing mga komong palagay ay makakatulong sa pagpapahupa ng pagkabahala sa merkado, at pagpapataas ng katatagan ng merkado.
Binanggit din ni Yellen ang umano’y “overcapacity” ng industriya ng bagong enerhiya ng Tsina.
Sa katunayan, pseudo-proposition ang isyung ito.
Sa larangan ng bagong enerhiya, ipinagkakaloob ng Tsina ang mas maraming de-kalidad na kapasidad kaysa Amerika, at mas tinatanggap ito ng daigdig.
Ang pagtawag ng Amerika ng ganitong situwasyon bilang “overcapacity” ay nagpapakita ng hegemonistikong kaisipan nito na “ako lang ang makikinabang.”
Ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika.
Sa kasalukuyang kalagayan ng pagbuti ng relasyong Sino-Amerikano, umaasang di-magmamatigas sa Tsina ang Amerika, at magpapasulong sa pagsasakatuparan ng San Francisco vision, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Tsina at Amerika, kailangang maging katuwang, sa halip na magkalaban – premyer Tsino
CMG Komentaryo: Thucydides trap, bakit di-tiyak na mangyayari?
Tsina sa Amerika: obdyektibo’t makatarungang tingnan ang pag-unlad ng Tsina
Kooperasyon sa pagpapatupad ng batas, ipinanawagan sa Amerika ng ministro ng seguridad ng Tsina