Nakipagtagpo, Marso 27, 2024 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga kinatawan ng sirkulo ng negosyo, estratehiya at akademiya ng Amerika.
Tinukoy ni Xi na ang pinakamahalagang komong palagay na narating sa pagtatagpo nila ni Pangulong Joe Biden sa San Francisco noong nagdaang Nobyembre ay dapat patatagin at pabutihin ang relasyong Sino-Amerikano.
Inihayag naman ng mga kinatawang Amerikano na di-tiyak na mangyayari ang Thucydides trap.
Si Graham Allison, founding dean ng John F. Kennedy School of Government ng Harvard University, ay isa sa mga miyembro ng nasabing delegasyon, at siya rin ang nagharap ng konsepto ng Thucydides trap.
Noong 2012, sinipi ni Allison ang pananalita ni Thucydides, kilalang mananalaysay ng sinaunang Griyego, hinggil sa Peloponnesian War, para ibunyag ang posibilidad ng mariing sagupaan, maging ng digmaan, sa pagitan ng rising power at established power.
Nitong nakalipas na ilang taon, itinuturing ng Amerika ang Tsina na pinakapangunahing estratehikong kakompetisyon, kaya sinipi ng maraming tagapag-analisa ang salitang “Thucydides trap” para ihayag ang kanilang pagkabahala sa tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Bakit sinabi ng mga kinatawang Amerikano na di-tiyak na mangyayari ang Thucydides trap?
Paulit-ulit na napatunayan ng katotohanan at datos na ang sariling tagumpay ng Tsina at Amerika ay pagkakataon ng isa’t isa.
Sa katunayan, ang karamihan ng mga kinatawang Amerikano na kinatagpo ni Xi ay kasali at benepisyaryo sa kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Amerika.
Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng negosyo sa Tsina, hindi laman silang gumawa ng ambag sa pag-unlad ng Tsina, kundi nagsakatuparan din ng sariling pag-unlad.
Sa kasalukuyan, aktibong pinaparami at pinapaunlad ng Tsina ang makabagong kalidad na produktibong puwersa. Ang transpormasyon at pag-a-upgrade ng tradisyonal na industriya man, o pag-unlad ng bagong sibol na industriya at future-oriented industry ay magbubunsod ng mas maraming pagkakataon sa mga kompanyang Amerikano.
Di-tiyak na mangyayari ang Thucydides trap – ito ay komong palagay ng mga personahe ng sirkulo ng negosyo, estratehiya at akademiya ng Amerika, pati na rin ang kailangang maging komong palagay ng mga umakyat sa kapangyarihan ng Amerika.
Tulad ng sabi ni Pangulong Xi: di-maaaring bumalik sa nakaraan ang relasyong Sino-Amerikano, pero maaari itong may mas magandang kinabukasan.
Salin: Vera
Puldio: Ramil
Tsina sa Amerika: obdyektibo’t makatarungang tingnan ang pag-unlad ng Tsina
Kooperasyon sa pagpapatupad ng batas, ipinanawagan sa Amerika ng ministro ng seguridad ng Tsina
Positibo’t konstruktibong bunga, natamo ng video call ng panig militar ng Tsina at Amerika
CMG Komentaryo: Katalinuhan ni Henry Kissinger, pinakamahal na pamana para sa Amerika