Pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon, sinang-ayunan ng Tsina at Rusya

2024-04-10 17:41:09  CMG
Share with:


Beijing, Tsina – Sa kanyang pakikipag-usap, Abril 9, 2024 kay Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, inihayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ang pangangalaga at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Ruso ay di-maiiwasang pagpili ng dalawang bansa bilang malalaking magkapitbasa, at umaangkop din ito sa pundamental na kapakanan ng kani-kanilang mga mamamayan.

 

Kasama ng panig Ruso, nakahanda ang Tsina na patingkarin ang katangi-tanging bentahe ng mekanismo ng pagpapalitan sa mataas na antas ng dalawang bansa, palakasin ang sinerhiya ng mga planong pangkaunlaran nila, at pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan, alinsunod sa mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Ipinaabot din ni Wang ang pagbati ng panig Tsino sa muling pagkahalal ni Vladimir Putin bilang pangulong Ruso.

 

Pinasalamatan naman ni Lavrov ang ibinigay na suporta ng Tsina sa halalang pampanguluhan ng Rusya.

 

Aniya, iginigiit ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina, at nakahandang panatilihin ang mataas na lebel na pakikipagpalitan sa panig Tsino, at palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng magkabilang panig sa kabuhayan, kalakalan at iba pang larangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil