Bilang tugon sa pagdaraos ng Amerika, Hapon, at Pilipinas ng unang trilateral summit kamakailan at pagpapalabas ng isang magkakasanib na pahayag pagkatapos nito, sinabi, Abril 12, 2024, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tumututol ang kanyang bansa sa bloc politics, pagbuo ng mga eksklusibong grupo, at pagsasagawa ng anumang aksyong pumupukaw at nagpapasidhi ng mga tensyon at sumisira sa estratehikong seguridad at interes ng ibang mga bansa.
Tinukoy ni Mao, na puwedeng isulong ng Hapon at Pilipinas ang normal na relasyon sa ibang mga bansa, ngunit hindi nila dapat dalhin ang bloc confrontation sa rehiyong ito, o isagawa ang anumang trilateral cooperation na makakapinsala sa mga interes ng ibang mga bansa.
Dagdag ni Mao, ipinakikita ng mga nilalaman ng magkakasanib na pahayag ng Amerika, Hapon, at Pilipinas, na nakatuon sa Tsina ang kanilang summit at ito rin ang sinasadyang pagdungis at pagtuligsa sa Tsina.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos