Ipinahayag kahapon, Abril 10, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang Nansha Qundao ay nabibilang sa teritoryo ng Tsina at ang mga hakbang nito sa pagpapatupad ng batas sa dagat ay nakatuon sa pangangalaga ng sariling teritoryo, soberanya at karapatan.
Ani Mao, ang nasabing mga hakbang ay legal at makatuwiran.
Ang paglalala aniya ng kalagayan ng SCS ay may kinalaman sa pakikialam ng Amerika.
Winika ito ni Mao bilang tugon sa sinabi kamakailan ni Admiral John Aquilino, Komander ng Indo-Pacific Command ng Amerika, na nababahala ang kanyang bansa sa mga mapanganib na aksyon ng Tsina sa paligid ng Ren’ai Jiao, at ang mga unilateral na aksyon ng Tsina ay nakapinsala sa katatagan ng South China Sea (SCS).
Kung nais ng Amerika na manatiling matatag at mapayapa ang SCS, dapat nitong itigil ang pagpapa-igting ng tensyon, at pagpukaw ng dibisyon ng kampo at komprontasyon, saad ni Mao.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
CMG Komentaryo: Kasalukuyang patarakan ng Pilipinas sa SCS, magdudulot ng panganib sa bansa
CCG: Mga bapor ng Pilipinas, isinagawa ang mga iligal na aktibidad sa karagatan ng Houteng Jiao
Tsina, hinimok ang Timog Korea na manatiling maingat sa isyu ng South China Sea
Tsina, hinihimok ang Pilipinas na itigil ang probokasyon sa South China Sea