Determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa soberanyang teritoryal at karapata’t kapakanang pandagat, matatag – MOFA

2024-04-12 17:22:28  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag ni Pangulong Joe Biden ng Amerika hinggil sa pagpapalakas ng ugnayang pandagat sa Hapon at Pilipinas, sinabi ngayong araw, Abril 12, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang kaukulang pananalita ng panig Amerikano ay taliwas sa pundamental na katotohanan, at tikis na bumatikos sa panig Tsino.

 

Inihayag ng panig Tsino ang mariing kawalang kasiyahan at matatag na pagtutol dito, dagdag ni Mao.

 

Ipinagdiinan niya ang sumusunod na ilang paninindigan ng Tsina:

 

Una, may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao at nakapaligid na rehiyong pandagat na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao, pati na rin sa Diaoyu Dao at mga nakapaligid na pulo.

 

Makatuwiran, lehitimo at walang kapintasan ang mga aksyon ng Tsina sa East China Sea at South China Sea (SCS), alinsunod na pandaigdigang batas.

 

Ika-2, hindi kailanman nagkaroon ng problema ang kalayaan sa paglalayag at paglilipad sa SCS, pero buong tatag na tinututulan ng Tsina ang hegemonistikong aksyon at pagyayabang ng lakas ng kaukulang bansa sa karagatang ito, at di-katanggap-tanggap din ang paglapastangan ng kaukulang bansa sa soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng Tsina, sa katuwiran ng kalayaan ng paglalayag at paglilipad.

 

Ika-3, ilegal at walang bisa ang umano’y arbitral award sa SCS.

 

Hinding hindi maaapektuhan ng nasabing arbitral award ang soberanyang teritoryal at karapata’t kapakanang pandagat ng Tsina sa SCS, sa ilalim ng anumang situwasyon.

 

Ika-4, kaugnay ng pakikipagsabwatan ng kaukulang bansa sa puwersa sa labas ng rehiyon para sa personal na kapakanan, at pagiging ahedres ng puwersang panlabas sa paninikil laban sa Tsina, pananaw ng panig Tsino na ang nagpapagamit ang naiiwanan sa bandang huli!

 

At ika-5, batay sa kaisipan ng Cold War, madalas na nagbabanta ang Amerika sa ibang bansa, alinsunod sa mga bilateral na kasunduan ng mga kaalyansa, bagay na malubhang lumalabag sa Karta ng UN, at nakakapinsala sa katatagan ng rehiyon.

 

Matatag ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa sariling soberanyang teritoryal at karapata’t kapakanang pandagat, at patuloy na pagtatanggol ng kapayapaan at katatagan ng SCS, kasama ng mga bansa ng rehiyon, dagdag ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil