Nakipagtagpo Disyembre 5, 2023 sa Vientiane si Pangulong Thongloun Sisoulith ng Laos kay He Weidong, dumadalaw na Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Tsina.
Pinasalamatan ni Thongloun ang ibinigay na suporta at tulong ng panig Tsino sa partido, pamahalaan at hukbo ng Laos nitong nakalipas na mahabang panahon.
Sa harap ng masalimuot at pabagu-bagong kalagayang panrehiyon at pandaigdig, umaasa aniya siyang patuloy na palalakasin ng dalawang hukbo ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, at walang humpay na palalalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Saad ni He, kasama ng panig Lao, nakahanda ang panig Tsino na palalimin ang pagpapalitan sa iba’t ibang antas, pataasin ang kalidad at bisa ng magkasanib na pagsasanay, palakasin ang pagpapalitan ng depensang panghanggahan, pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo sa mas mataas na lebel, at magkasamang ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Nang araw ring iyon, nakipag-usap naman kay He si Chansamone Chanyalath, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Depensa ng Laos.
Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa relasyon ng dalawang bansa’t hukbo, kalagayang panrehiyon at pandaigdig at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Ramil