Premyer Tsino at Chancellor ng Alemanya, nag-usap

2024-04-17 12:09:11  CMG
Share with:

Sa pag-uusap, Abril 16, 2024 sa Beijing nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya, sinabi ni Li, na kasama ng Alemanya, patuloy na magsisikap ang Tsina para palalimin ang pagkaunawaan at pagtitiwalaan sa pamamagitan ng diyalogo, at isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon sa pamamagitan ng aktuwal na kooperasyon.

 

Ani Li, ang industriya ng bagong enerhiya ng Tsina ay nagbibigay ng mahalagang ambag para sa berdeng pag-unlad ng buong daigdig, kaya naman, sa pakikipagtulungan sa Alemanya at Unyong Europeo (EU), igigiit ng Tsina ang pantay na kompetisyon, at bukas na kooperasyon.

 

Umaasa aniya siyang isusulong ng EU ang prinsipyo ng makatarungan at market-oriented na ekonomiya, at ma-ingat na gamitin ang hakbangin ng subsidiya sa kalakalan.

 

Ipinahayag naman ni Scholz na kasama ng panig Tsino, nakahandang pabutihin ng Alemanya ang diyalogo at pag-uugnayan sa iba’t-ibang antas; palalimin ang kooperasyon sa pinansya, agrikultura, berdeng pag-unlad, at renewable energy; at pasulungin ang pagpapalitan sa kultura, edukasyon, palakasan, at ng mga Aleman at Tsino.

 

Magkasama ring dumalo sina Li at Scholz sa pulong ng economic advisory committee ng Tsina at Alemanya, kung saan nagtagpo ang mahigit 20 mangagalakal ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio