Sugong Tsino: paglala ng krisis ng Ukraine, di-angkop sa kapakanan ng Tsina at Alemanya

2024-03-11 15:34:28  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Marso 9, 2024 kay Thomas Bagger, Kalihim ng Estado ng Pederal na Tanggapang Panlabas ng Alemanya, inihayag ni Li Hui, Espesyal na Kinatawan ng Pamahalaang Tsino sa mga Suliranin ng Eurasia, ang kahandaan ng bansa na suportahan, kasama ng Alemanya, ang pagdaraos ng isang komperensyang pangkapayapaan sa angkop na panahon, kung saan may pantay na pagsali ang lahat ng mga panig.

 

Ito aniya ay upang bigyang-daan ang tigil putukan sa Ukraine sa lalong madaling panahon.

 


Hinangaan naman ni Bagger ang positibong papel ng Tsina sa pagpapasulong sa pulitikal na pagresolba sa krisis ng Ukraine, at ginawang sigasig ni Li sa shuttle diplomacy.

 

Nakahanda aniya ang Alemanya na panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa Tsina.

 

Matapat at malaliman ding nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig hinggil sa relasyong Sino-Aleman, krisis ng Ukraine, prosesong pangkapayapaan, at iba pang isyung kanilang pinahahalagahan.

 

Dumating, Marso 2, si Li sa Moscow, para pasimulan ang ika-2 round ng shuttle diplomacy kaugnay ng krisis ng Ukraine.

 

Bumisita rin siya sa Brussels, punong himpilan ng Unyong Europeo, Poland at Ukraine.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio