CMG Komentaryo: Mga komong palagay ng Tsina at Alemanya, pinakamagandang tugon sa duda ng ilang bansang kanluranin

2024-04-17 16:28:24  CMG
Share with:

Ang katatapos na pagdalaw ni Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya sa Tsina ay nakatawag ng malawakang pansin ng kanluraning opinyong publiko.

 


Sa pagtatagpo sa Beijing, Abril 16, 2024 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Chancellor Scholz, malalim nilang tinalakay ang relasyong Sino-Aleman at mga mainitang isyung panrehiyon at pandaigdig.

 

Inihayag ng kapuwa panig ang kahandaang suportahan ang malayang kalakalan at ekonomikong globalisasyon, magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig, at ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng mundo.

 

Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, paano pasusulungin ang matatag at pangmalayuang pag-unlad ng relasyong Sino-Aleman?

 

Sa isang banda, kailangang totohanang mapagtanto ng panig Aleman na ang pag-unlad ng Tsina ay hindi banta sa Alemanya at Europa, at mas malaki kaysa kompetisyon at alitan ang kahalagahan ng kooperasyon ng magkabilang panig.

 

Ito ang pundasyon ng malakas na estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa.

 

Samantala, dapat patuloy na gampanan ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ang papel ng “ballast” o tagapagbalanse sa bilateral na relasyon.

 

Sa naturang pagtatagpo, kapuwa inihayag ng mga lider Tsino’t Aleman ang pagtutol sa proteksyonismo, at pag-asa sa pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon.

 

Sinabi ng panig Tsino na napakalaki ng nakatagong lakas at win-win na kooperasyon ng dalawang bansa sa mga tradisyonal na larangang gaya ng pagyari ng makinarya at sasakyang de-motor, at mga bagong sibol na larangang kinabibilangan ng berdeng transpormasyon, didyitalisasyon, at Artificial Intelligence (AI), bagay na nagbigay ng patnubay sa direksyon ng ekonomikong kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Ang kooperasyong Sino-Aleman ay makakabuti sa magkabilang panig, pati na rin sa buong daigdig.

 

Ang tagumpay ng isa’t-isa ay magbibigay ng mas malaking ambag sa kooperasyon ng Tsina at Unyong Europeo (EU), at mabisang pupuksa sa duda ng ilang bansang kanluranin na nakakasira sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio