Sa kanyang birtuwal na pulong kay Lloyd Austin, Kalihim ng Depensa ng Amerika, Abril 16, 2024, ipinanawagan ni Dong Jun, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, ang bukas at pragmatikong kooperasyon.
Aniya, nagpupunyagi ang mga lider ng Tsina at Amerika sa pagtatayo at pagpapabuti ng bilateral na relasyon, at ang dalawang hukbo ay dapat maging pundasyon ng pagpapanatili ng istabilidad.
Samantala, tinukoy ni Dong na ang isyu ng Taiwan ay pinakapusod na interes ng Tsina, at hinding-hindi pahihintulutan ang pagkapinsala nito.
Hindi rin aniya hahayaan ng People’s Liberation Army (PLA) ang lahat ng mapangwatak na aktibidad sa umano’y “pagsasarili ng Taiwan,” pati na rin ang pakikipagsabwatan at pagsuporta ng puwersang panlabas.
Sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang kalagayan ng South China Sea.
Hinimok ni Dong ang Amerika na kilalanin ang matibay na paninindigan ng Tsina at gumawa ng mga praktikal na hakbang upang mapangalagaan ang rehiyonal na kapayapaan, at katatagan ng relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo.
Maliban diyan, nagpalitan din sila ng kuru-kuro sa iba pang isyung kapuwa nila pinahahalagahan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
CMG Komentaryo: Amerika, inaasahang magiging responsable pagkatapos ng pagdalaw ni Yellen
Tsina at Amerika, kailangang maging katuwang, sa halip na magkalaban – premyer Tsino
CMG Komentaryo: Thucydides trap, bakit di-tiyak na mangyayari?
Tsina sa Amerika: obdyektibo’t makatarungang tingnan ang pag-unlad ng Tsina