Jakarta, Indonesya – Matapos ang pagtatagpo ngayong araw, Abril 18, 2024 nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at counterpart na Indones na si Retno Marsudi, inihayag ng panig Tsino, na kailangang lubos na subaybayan ang pagbuo ng “maliit na grupo,” at tutulan ang paglikha ng anumang pagkamuhi.
Dapat din aniyang pahalagahan ang di-madaling natamong kapayapaan at katatagan.
Kasama ng ibang mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nakahanda aniya ang Tsina na komprehensibo’t mabisang ipatupad ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), pabilisin ang negosasyon sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), at itatag ang South China Sea bilang karagatan ng kapayapaan at kooperasyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio