Ministrong Panlabas ng Tsina, dadalaw sa Indonesya, Kambodya at Papua New Guinea

2024-04-17 08:07:12  CMG
Share with:

Inanunsyo Martes, Abril 16, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula Abril 18 hanggang 23, opisyal na dadalaw sa Indonesya, Kambodya at Papua New Guinea si Ministrong Panlabas Wang Yi ng bansa.

 

Ani Lin, pangunguluhan ni Wang ang Ika-4 na Pulong ng China-Indonesia High-Level Dialogue Cooperation Mechanism at Ika-7 Pulong ng China-Cambodia Intergovernmental Coordination Committee.

 

Dagdag niya, nananatiling malakas ang tunguhin ng relasyon ng Tsina sa nasabing tatlong bansa.

 

Kasama ng Indonesya, Kambodya, Papua New Guinea, at iba pang bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, ipagtanggol ang kapayapaan at katahimikan, at gawin ang positibong ambag sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon, maging ng buong mundo, saad ni Lin.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio