Tsina, ikinalulungkot ang pagbeto ng Amerika sa aplikasyon ng Palestina sa pagiging pormal na miyembro ng UN

2024-04-19 17:56:36  CMG
Share with:

 

Bilang permenanteng kasapi ng United Nations Security Council, bineto kahapon, Abril 18, 2024, ng Amerika ang panukalang resolusyon tungkol sa pagtanggap ng UN sa Palestina bilang pormal na miyembro.

 

Sa gitna ng 15 kasapi ng Security Council, bumoto ng pagsang-ayon ang 12 bansa, nag-abstain ang Britanya at Switzerland, at bumoto ng pagbeto ang Amerika.

 

Ipinahayag ng Tsina ang pagkalungkot sa desisyong ito ng Amerika.

 

Sinabi ni Fu Cong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na dahil sa pagbeto ng Amerika, tinanggihan ang aplikasyon ng Palestina sa pagiging pormal na miyembro ng UN, at walang awang nabigo ang ilang dekadang pangarap ng mga Palestino.

 

Tinuligsa niya ang sinabing hindi kaya ng Palestina na pamahalaan ang sarili. Aniya, nitong nakalipas na 13 taon, marami ang pagbabago sa kalagayan ng Palestina sa ibat’t ibang aspekto, at kabilang dito, ang pinakamahalaga ay paglawak ng paninirahan sa West Bank.

 

Binigyang-diin din ni Fu ang kritikal na pangangailangan para sa isang matatag na pangako sa pagpapanumbalik ng two-state solution.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos