Tsina at Indonesia, isusulong ang mga pragmatikong kooperasyon

2024-04-20 17:58:50  CMG
Share with:

 

Sa pamumuno nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Luhut Binsar Pandjaitan, Koordinadong Ministro sa mga Suliranin ng Dagat at Pamumuhunan ng Indonesia, idinaos Abril 19, 2024, sa Labuan Bajo, Indonesia, ang Ika-4 na Pulong ng Mekanismo ng Diyalogo at Kooperasyon sa Mataas na Antas ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina, na palalimin ang koordinasyon sa pagitan ng Belt and Road Initiative (BRI) at estratehiyang pangkaunlaran ng Indonesia, isulong ang Jakarta-Bandung High-Speed Railway bilang pangunahing halimbawa ng kooperasyon ng BRI, isagawa ang dalawa pang bagong malaking proyektong pangkooperasyon na Regional Comprehensive Economic Corridor at "Two Countries, Twin Parks," at palawakin ang koooperasyon sa tatlong pangunahing aspektong gaya ng digital economy, berdeng pag-unlad, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Sinabi naman ni Luhut, na ipagpapatuloy ng bagong pamahalaan ng Indonesia ang patakarang mapagkaibigan sa Tsina, igigiit ang prinsipyong isang-Tsina, at palalalimin ang bilateral na konstruktibong kooperasyon.

 

Dagdag niya, idudulot ng kooperasyon ng Indonesia at Tsina ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at rehiyong ito, at patitingkarin ang positibong papel para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng Asya-Pasipiko.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos