Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon, Abril 18, 2024, sa Jakarta, kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, ipinahayag ni Wang Yi, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatag na sinusuportahan ng panig Tsino ang Indonesia sa pagganap nito ng papel bilang pangunahing bansa, para pahigpitin ang koordinasyon at kooperasyon ng dalawang panig at labanan ang lahat ng mga aksyong lumilikha ng paghihiwalay at komprontasyon sa rehiyon.
Sinabi ni Wang na umaasa ang panig Tsino na pasusulungin, kasama ng Indonesia, ang pagpapatuloy ng mga natamong bunga ng bilateral na relasyon at pagpapaunlad ng relasyon sa bagong antas sa hinaharap.
Sinabi naman ni Joko na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina at umaasang patuloy na susuportahan ng Tsina ang konstruksyon ng high-speed railway ng Indonesia.
Dagdag pa niya na malugod na tinatanggap ang mas maraming bahay-kalakal ng Tsina na mamuhunan at magnegosyo sa Indonesia.
Sinabi pa niyang palagiang iginigiit ng Indonesia ang patakarang isang-Tsina.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil