Bilang tugon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas tungkol sa trilateral summit ng bansang ito, Amerika, at Hapon, sinabi, Abril 19, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang tunay na layon ng summit na ito ay para bumuo ng eksklusibong grupong pulitikal, sa halip na paghahanap ng kapayapaan at pagtutulungan.
Aniya, sa pahayag ng panig Pilipino, hindi binanggit ang mga saligang isyu, pero ginawa ang walang katwirang akusasyon laban sa Tsina.
Sinabi rin ni Lin, na konsistente at malinaw ang posisyon ng Tsina sa isyu ng South China Sea (SCS). Aniya, nitong ilang buwang nakalipas, lumalala ang hidwaan ng Tsina at Pilipinas sa SCS, at ang ugat ng kalagayang ito ay pagtaliwas ng Pilipinas sa sariling mga pangako, madalas na paggawa ng mga probokasyon, at paglapastangan sa soberanya sa teritoryo at mga karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina. Tinatangka rin ng Pilipinas na samantalahin ang mga puwersa sa labas ng rehiyon, para suportahan ang sarili at patawan ng presyur ang Tsina, dagdag niya.
Binigyang-diin ni Lin, na walang anumang probokasyon o pamimilit ang makakapigil sa Tsina sa pangangalaga sa sariling soberanya, mga karapatan, at kapakanan.
Kailangan aniyang malaman ng Pilipinas, na hindi ito makakuha ng kahigtan sa isyu ng SCS sa pamamagitan ng pag-asa sa Amerika. Ang tanging landas tungo sa rehiyonal na kapayapaan at katatagan ay nakasalalay sa pangako sa paggigiit sa pagkakaibigan sa isa’t isa, pagbalik sa diyalogo at pagsasanggunian, at pagpapanatili ng kasarinlan sa mga polisya, saad ni Lin.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos