"Labis na produktibong kapasidad," economic coercion at bullying ng Amerika laban sa Tsina

2024-04-20 18:03:41  CMG
Share with:

Sinabi, Abril 19, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang di-umanong "labis na produktibong kapasidad" ng Tsina ay ginagamit ng Amerika sa pagtatangkang hadlangan at sugpuin ang industriyal na pag-unlad ng Tsina, at puro itong economic coercion at bullying.

 

Tinukoy ni Lin, na ang "labis na produktibong kapasidad" ay hindi "bagong konsepto." Aniya, ginamit minsan ito ng Amerika para ituring ang pagluluwas ng Tsina sa daigdig ng mga produktong mataas ang kalidad at mababa ang presyo, at sa kasalukuyan, inilalagay naman ng Amerika ang label na ito sa pagluluwas ng Tsina ng mga produkto ng bagong enerhiya.

 

Ipinaliwanag ni Lin, na ang proporsyon ng mga sasakyan ng bagong enerhiyang iniluwas ng Tsina sa kabuuang bilang ng mga ginawang sasakyang ito ay mas mababa kaysa sa mga bansang gaya ng Alemanya, Hapon, at Timog Korea.

 

Mukhang konseptong pangkabuhayan, ang "labis na produktibong kapasidad" ng Tsina ay, sa katotohanan, kagamitan ng Amerika para kunin ang mas mabuting posisyong kompetetibo at kalamangan sa merkado.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos