Kooperasyong Sino-Kambodyano sa lahat ng aspekto, isusulong ng Tsina – Wang Yi

2024-04-22 16:12:50  CMG
Share with:


Phnom Penh, Kambodya – Sa kanyang pakikipag-usap kay Sok Chenda Sophea, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya, Abril 21, 2024, inihayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kahandaan ng bansa na ipatupad, kasama ng panig Kambodyano ang mga komong palagay ng mga mataas na opisyal ng dalawang bansa, at komprehensibong pasulungin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pulitika, kapasidad sa produksyon, agrikultura, enerhiya, seguridad, at pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Diin ni Wang, tulad ng dati, matatag na susuportahan ng Tsina ang pagtahak ng Kambodya sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan; susuportahan ang pangangalaga ng Kambodya sa katatagan, pagpapasulong sa kaunlaran, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan; at susuportahan ang pagganap ng mas mahalagang papel ng Kambodya sa arenang panrehiyon at pandaigdig.

 

Sinabi naman ni Sok Chenda Sophea na madalas ang mataas na lebel na pagpapalitan ng dalawang bansa, mahigpit ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at mabungang-mabunga ang kooperasyon ng Belt and Road, bagay na nagbigay ng malaking tulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng Kambodya.

 

Ipinagdiinan niyang iginigiit ng Kambodya ang patakarang isang-Tsina, inaasahan ang mas maraming proyektong pangkooperasyon sa Tsina, at winewelkam ang pamumuhunan ng mas maraming kompanyang Tsino sa Kambodya.

 

Inihayag din niya ang pagtutol sa paglikha ng kaguluhan ng mga puwersa sa labas ng rehiyon, at kahandaang makipagtulungan sa panig Tsino, para maigarantiya ang malusog na pag-unlad ng kooperasyon ng Silangang Asya, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio