Sa pakikipagtagpo, Abril 21, 2024 sa Phnom Penh ni Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya kay Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, nagpasalamat ang hari sa mga tulong at pagkatig ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng kanyang bansa.
Matatag aniyang iginigiit ng Kambodya ang patakarang isang-Tsina, aktibong kinakatigan ang ideya ng komunidad ng sangkatauhan na may pinagbabahaginang kinabukasan, Global Security Initiative, Global Development Initiative, at Global Civilization Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinahayag naman ni Wang, na ang Tsina ay mapagkakatiwalaang kaibigan at malakas na katuwang ng Kambodya.
Ang pag-unlad ng Tsina ay nagdudulot aniya ng bagong pagkakataon sa pag-unlad ng Kambodya, at kasama ng Kambodya, nakahandang palakasin ng panig Tsino ang kooperasyon at isakatuparan ang komong pag-unald.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Tsina, sinusuportahan ang Indonesia sa pagganap ng papel bilang pangunahing bansa
Tsina at Indonesia, pasusulungin ang komprehensibong estatehikong partnership sa bagong antas
SCS, dapat maging dagat ng kapayapaan para sa lahat – Wang Yi
Ministrong Panlabas ng Tsina, dadalaw sa Indonesya, Kambodya at Papua New Guinea