Tsina sa Amerika: Dapat panatilihin ang diyalogo, kontrolin ang hidwaan at pasulungin ang kooperasyon

2024-04-23 14:55:38  CMG
Share with:

Kaugnay ng nakatakdang pagdalaw sa Tsina mula Abril 24 hanggang 26 ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag ng namamahalang tauhan ng Departamento ng mga suliranin ng North America at Oceania ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagbisita ni Blinken ay bahagi ng pagsasakatuparan ng mga komong palagay na narating ng mga pangulo ng dalawang bansa sa San Francisco noong 2023 para panatilihin ang diyalogo, kontrolin at hawakan ang mga hidwaan, pasulungin ang kooperasyon at pahigpitin ang pagkokoordinahan sa mga suliraning pandaigdig.

 

Kabilang aniya sa mga pangunahing isyu na tatalakayin sa nasabing pagdalaw ay:

 

Una, pagtatatag ng tamang ideya hinggil sa relasyong Sino-Amerikano.

 

Ikalawa, pagpapahigpit ng diyalogo sa iba’t-ibang larangan at antas.

 

Ikatlo, mabisang pagkontrol at paghawak sa mga hidwaan.

 

Ikaapat, pagpapasulong ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

 

Ikalima, magkasamang pagsasabalikat ng responsibilidad bilang malalaking bansa sa daigdig.

 

Idiniin din niyang ang isyu ng Taiwan ay unang pulang linya ng relasyong Sino-Amerikano na hindi dapat matawid.

 

Matatag aniyang tinututulan ng Tsina ang pakikialam ng Amerika sa isyu ng South China Sea para sirain ang relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).


Salin: Ernest

Pulido: Rhio