Pagpilipit sa kasaysayan ng bagong teksbuk ng Hapon, kinondena ng buong mundo

2024-04-23 16:25:53  CMG
Share with:

Inaprobahan kamakailan ng pamahalaang Hapones ang makabagong bersyon ng teksbuk pangkasaysayan, kung saan pinahihina ang mga kalupitan ng hukbong Hapones noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at ito’y nakatawag ng pagkabahala ng maraming bansang Asyano.

 


Ayon sa isang global online survey na inilunsad ng China Global Television Network ng China Media Group (CMG-CGTN), mariing kinokondena ng 82.45% ng mga respondiyente sa buong mundo ang kilos ng pamahalaang Hapones sa mapanalakay nitong kasaysayan.

 

Inilakip sa nasabing teksbuk ang maraming nilalamang di-tugma sa katotohanan na kinabibilangan ng pagpapabulaan sa puwersahang pagpilit sa mga babae na maging comfort women.

 

Kaugnay nito, nanawagan ang mga respondiyente sa pamahalaan ng Hapon na igalang ang pundamental na katotohanang historikal.

 


Tinukoy nilang dapat lubos na magmatyag ang lahat sa anumang pagtatangka ng Hapon na ikubli at pagandahin ang mapanalakay nitong kasaysayan.

 

Ang nasabing sarbey ay inilabas ng CGTN sa mga plataporma ng wikang Ingles, Espanyol, Pranses, Arabe, at Ruso.

 

Sa loob ng 24 oras, sumali rito at nagpahayag ng sariling kuru-kuro ang 7,431 netizen.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio