CMG Komentaryo: Pagpapalakas ng kakayahan at impluwensyang militar ng Hapon, banta sa kapayapaan at katatagan

2024-04-15 16:11:44  CMG
Share with:

Isinagawa kamakailan ng Hapon ang isang serye ng mga hakbangin para palakasin ang kakayahan at impluwensiyang militar nito, gaya ng pagpapataas ng antas ng US-Japan Security Treaty, pagsama sa ensayong militar ng Amerika, Australia at Pilipinas sa South China Sea, at pagsisikap lumahok sa AUKUS.

 

Ayon sa mga ekspertong Hapones, ipinakikita ng naturang mga aksyon ang paglayo ng Hapon sa mapayapang konstitusyon, pagsunod sa pandaigdigang estratehiya ng Amerika, at ang mga aksyong ito ay nakatuon sa Tsina.

 

Dagdag pa riyan, binabalak ng Hapon na susugan ang tatlong prinsipyo ng Defense Equipment Transfer para mailuwas ang mga pamuksang sandata at pataasin ang badyet pandepensa ng bansa sa 2% ng kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) sa taong 2027.

 

Ang naturang mga hakbang ay nagpapahiwatig sa plano ng Hapon na susugan ang mapayapang konstitusyon nito at alisin ang lahat ng limitasyon sa pagpapalawak ng lakas-militar.

Bilang isa sa mga bansang naglunsad ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang nasabing mga hakbang at plano ay magdudulot ng mga nakatagong panganib sa kapayapan at katatagan ng Asya-Pasipiko, at dapat panatilihin ng mga bansa sa rehiyon ang pagmamatyag sa mga plano ng Hapon.

 

Ang rehiyong Asya-pasipiko ay dapat maging rehiyon ng mapayapang pag-unlad sa halip ng lugar-komprontasyon ng heopulitika.

 

Kung patuloy na susunod ang Hapon sa estratehiya ng Amerika at palalakasin ang kakayahan at impluwensyang militar, ito’y hindi lamang banta sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, kundi magdudulot din ng panganib sa sarili.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio