Tsina at Pilipinas, nagkaroon minsan ng kasunduan hinggil sa Ren’ai Jiao – MOFA

2024-04-23 14:52:45  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng sinabi, Abril 20, 2024 ni National Security Adviser Eduardo Año, na walang alam ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang maginoong kasunduan sa Tsina at kung mayroon mang ganitong kasunduan sa pagitan ng nagdaang pamahalaang Pilipino at Tsina, ibinasura na ito ni Pangulong Marcos Jr..

 

Hinggil dito, ipinahayag, Abril 22, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na nagkaroon ng komong palagay ang Tsina at Pilipinas hinggil sa maayos na paghawak sa kalagayan ng Ren’ai Jiao, hindi lamang noong termino ng nagdaang pamahalaang Pilipino, kundi, sa panahon din ng kasalukuyang administrasyon.

 

Ani Wang, ang patunay sa naturang komong palagay ay nasa mga ulat ng media ng Pilipinas, pahayag ng mga opisyal ng nagdaang pamahalaang Pilipino at proseso ng paghawak ng dalawang bansa sa isyu ng Ren’ai Jiao.

 

Sinabi rin niyang paulit-ulit na pinabulaanan ng panig Pilipino ang nasabing kasunduan, kaya hindi alam ng panig Tsino ang tunay na kalooban nito.

 

Ang kasunduan ng dalawang panig ay makakabuti sa pangangala sa katatagan ng kalagayan ng Ren’ai Jiao at angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa, saad ni Wang.

 

Kung lalabag ang Pilipinas sa mga pangako at paulit-ulit na magsasagawa ng probokasyon, ito aniya ay magpapa-igting ng kalagayan at magdudulot ng negatibong bunga sa Pilipinas.

 

Hinimok din niya ang Pilipinas na tumpak na pakitunguhan ang realidad at isagawa ang makatuwirang kapasiyahan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio