Habang nangungulo Martes, Abril 23, 2024 sa simposyum hinggil sa pagpapasulong sa pag-unlad ng gawing kanluran ng bansa sa makabagong panahon, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ibayo pang sigasig upang buuin ang makabagong kayarian ng pag-unlad ng gawing kanluran na nagtatampok sa mabuti’t koordinadong konserbasyon sa kapaligiran, mas malaking pagbubukas at de-kalidad na pag-unlad.
Saad ni Xi, dapat gawing pokus ang pagpapaunlad ng mga industriyang may katangian at bentaheng lokal, paunlarin ang mga bagong sibol na industriya batay sa bentaheng heograpikal, at pabilisin ang transpormasyon at pag-a-upgrade na industriyal ng gawing kanluran.
Diin niya, dapat palakasin ang malalimang integrasyon ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya at inobasyong industriyal, at buong sikap na kunin ang breakthrough sa isang pangkat ng mga nukleong teknolohiya sa masususing larangan.
Ipinagdiinan din ni Xi ang kahalagahan ng mataas na lebel na proteksyong ekolohikal para sa pagpapanatili ng de-kalidad na pag-unlad, at paggarantiya sa pambansang seguridad na ekolohikal.
Kailangang koordinahan ang pag-unlad at seguridad, at palakasin ang kakayahan ng bansa sa pagtatanggol sa seguridad ng enerhiya at ibang yaman, dagdag ni Xi.
Salin: Vera
Pulido: Ramil