Nagpadala ngayong araw, Abril 24, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensaheng pambati sa unang China-Latin American and Caribbean States Space Cooperation Forum.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Xi ang kasiyahan sa mga natamong bunga ng dalawang panig sa larangan ng kalawakan, na gaya ng remote sensing satellites, communication satellites at deep space station network.
Ang naturang mga bunga aniya ay gumaganap ng mahalagang papel para sa pagpapasulong ng agham at teknolohiya, pagpapahigpit ng komunikasyon ng rehiyon at pagdudulot ng kapakanan sa mga mamamayan.
Saad pa niya na kasama ng mga bansa ng Latin Amerika at Caribbean, nakahanda ang panig Tsino na higit pang palakasin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa kalawakan.
Binuksan ang porum na ito sa parehong araw sa Wuhan ng lalawigang Hubei ng Tsina.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil