Ipinahayag nitong Huwebes, Abril 25, 2024 ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na matatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagdedeploy ng Amerika ng medium-range ballistic missiles sa rehiyong Asya-Pasipiko at ang paninindigang ito ay malinaw at sustenable.
Winika ito ni Wu bilang tugon sa anunsyo ng US Army Pacific ng pagdedeploy nito ng Mid-Range Capability missile system sa hilagang Luzon ng Pilipinas.
Ani Wu, ang naturang aksyon ng panig Amerikano ay nagbabanta sa seguridad ng rehiyon, at lubhang nakakapinsala sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon.
Dagdag pa niya, buong tatag na gagamitin ng Tsina ang mga katugong hakbangin para rito.
Bukod dito, umaasa aniya siyang hindi makikipagsabwatan ang may kinalamang bansa sa mga bansang di kasapi ng rehiyon para maiwasaan ang kapinsalaan sa sarili at ibang mga panig. Ani Wu, ang ganitong aksyon ay parang hinahayaang papasukin ng tao ang isang lobo sa loob ng sariling bahay.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil