Shenzhou-18 crewed spaceship, handang ilunsad ng Tsina

2024-04-17 16:48:28  CMG
Share with:

Ayon sa China Manned Space Agency (CMSA), Abril 17, 2024, inilipat na sa lunsaran ang kombinasyon ng Shenzhou-18 crewed spaceship at isang Long March-2F carrier rocket.

 

Anang CMSA, nasa magandang kondisyon ang mga pasilidad sa launch site sa Jiuquan Satellite Launch Center, hilagang kanluran ng Tsina, at isasagawa ang pagsusuri at magkasanib na pagsubok sa iba’t-ibang pungsyon, ayon sa nakatakdang iskedyul.

 

Ilulunsad ang nasabing spaceship sa malapit na hinaharap, ayon sa CMSA.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio