Nag-usap kahapon, Abril 1, 2024 sa Beijing sina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, at Stephane Sejourne, Ministro ng mga Suliranin ng Europa at dayuhan ng Pranysa.
Sinabi ni Wang na ang taong ito ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya.
Ani Wang, kasama ng Pransya, nakahanda ang panig Tsino na pasulungin ang pagiging mas matatag at masigla ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, pagpapatnubay ng matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Unyong Europeo (EU) at pagbibigay ng matatag na puwersa ng kalagayang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Sejourne na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina at puno ng ekspektasyon sa pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, kalakalan, agrikultura, berdeng pag-unlad, artificial intelligence (AI), kultura at pagpapalitang tao-sa-tao.
Saad pa niyang iginigiit ng Pransya ang pagbubukas at kooperasyon, at tinututulan ang de-coupling.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil