Tsina, napakalaking merkado na laging bukas sa mga banyagang kompanya – premyer Tsino kay Elon Musk

2024-04-29 15:56:57  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Abril 28, 2024 sa Beijing kay Elon Musk, Chief Executive Officer (CEO) ng Tesla, tinukoy ni Premyer Li Qiang ng Tsina na ang mga kompanyang may puhunang dayuhan ay di-mababalewalang kasali at tagapag-ambag sa pag-unlad ng Tsina, at sa mula’t mula pa’y bukas sa kanila ang napakalaking merkado ng bansa.

 

Saad ni Li, malalim ang integrasyon ng kabuhayang Tsino’t Amerikano, at kapuwa nakikinabang ang dalawang panig sa pag-unlad ng isa’t-isa.

 

Aniya, ang pag-unlad ng Tesla sa Tsina ay matagumpay na modelo ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Amerika.

 


Dagdag ni Li, batay sa katotohanan, ang pantay na kooperasyon, mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon ay pinaka-angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa.

 

Umaasa aniya ang Tsina na di-magmamatigas ang Amerika sa Tsina, pasusulungin ang sustenable’t matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon ayon sa estratehikong patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, at ihahatid ang mas maraming benepisyo sa mga Tsino’t Amerikano, at mga mamamayan ng mundo.

 

Ipagkakaloob ng Tsina ang mas magandang kapaligirang pang-negosyo at mas mabisang komprehensibong suporta sa mga kompanyang may puhunang dayuhan, para isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta, dagdag ni Li.

 

Ayon naman kay Musk, ang Shanghai Gigafactory ay ang pinakamabuting pabrika ng Tesla.

 

Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniya ang Tesla na ibayo pang palalimin ang kooperasyon, para matamo ang mas maraming win-win na resulta.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio