Puno ng Departamentong Internasyonal ng CPC, nakipagtagpo sa delegasyon ng Kambodya

2024-04-29 14:19:22  CMG
Share with:

Nakipagtagpo, Abril 28, 2024 sa Beijing si Liu Jianchao, Puno ng Departamentong Internasyonal ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa delegasyon ng Pambansang Asembleya ng Kambodya na pinamumunuan ni Suos Yara, Pangalawang Tagapangulo ng External Relations Commission ng People’s Party at Tagapangulo ng Commission on Foreign Affairs, International Cooperation, Media and Information ng Pambansang Asembleya ng Kambodya.

 

Nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa pagsasakatuparan ng mahahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, CPC at People’s Party, at pagpapahigpit ng pagpapalagayan sa pagitan ng dalawang partido.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio