Pagsasanggunian ng Fatah at Hamas, positibo ang progreso

2024-04-30 17:09:40  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagsasanggunian ng Fatah at Hamas na isinagawa sa Beijing, hinggil sa rekonsilyasyon sa loob ng Palestina, ipinahayag ngayong araw, Abril 30, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinalakay ng dalawang panig ang mga aktuwal na isyu hinggil sa rekonsilyasyon sa loob ng Palestina at natamo ang positibong progreso.

 

Sinabi ni Lin na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagpapatuloy ng diyalogo at pagsasanggunian para isakatuparan ang pagkakaisa at reunipikasyon ng Palestina sa lalong madaling panahon.

 

Saad pa niya na lubos na hinangaan ng dalawang panig ang paninindigang Tsino sa matatag na pagsuporta nito sa pagpapanumbalik ng lehitimong karapatan ng mga mamamayang Palestino.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil