Itinaguyod, Abril 29, 2024 sa Beijing ng China Media Group (CMG) ang Ika-3 CMG Forum na may temang “A Force for Good: Shared Responsibility in AI.”
Kasali rito ang mahigit 200 kinatawan mula sa mga organisasyong pandaigdig, mainstream media, think tank at transnasyonal na kompanya sa loob at labas ng bansa.
Inihayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na dapat magkasamang itatag ang makabuluhan, responsible at sustenableng artificial intelligence (AI).
Inilabas sa porum ang inisyatiba sa aksyon ng mga media sa pangangasiwa sa AI, na magkakasanib na inilunsad ng CMG, Asia-Pacific Broadcasting Union, Arab States Broadcasting Union, African Union of Broadcasting, European News Exchange at Alianza Informativa Latinoamericana at ibang pandaigdigang organisasyon ng media.
Salin: Vera
Pulido: Ramil