“China Image” screening, inilunsad sa Serbya

2024-04-26 10:57:17  CMG
Share with:

Inilunsad Huwebes, Abril 25, 2024 sa Belgrade ang “China Image” screening na magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at Radio Television ng Serbya (RTS).

 


Isasahimpapawid sa RTS ang mahigit 10 pelikula at TV show na ipinoprodyus ng CMG hinggil sa kasiglahan ng Tsina sa makabagong panahon at mga kuwento ng pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina sa Serbya.


Sa kanyang video speech, sinabi ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na tinawag minsan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Serbya na isang “balot-sa-bakal na kaibigan.”

 

Aniya, kasabay ng tuluy-tuloy na pag-init ng “Chinese fever” sa Serbya, parami nang paraming mamamayang Serbyan ang mahilig sa mga pelikula at TV show ng Tsina.

 


Inaasahan niya ang ibayo pang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng CMG at iba’t ibang sirkulo ng Serbya, upang ipagpatuloy ang matibay na pagkakaibigan ng dalawang bansa sa makabagong panahon.

 

Sa panahon ng nasabing aktibidad, isasahimpapawid sa RTS hanggang unang dako ng Mayo ang "In Search of Walter," "Qinling Train No. 6063," "Human Carbon Footprint," "Miracles of Sand and Sea: Dunhuang and Venice," "Aerial China: Xinjiang," "Heartstrings,” at ibang produkto ng CMG.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil