Ika-3 sesyon ng Komite Sentral ng CPC, idaraos sa Hulyo

2024-04-30 15:51:22  CMG
Share with:

Nagpulong ngayong araw, Abril 30, 2024 ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kung saan ipinasiyang idaos ang Ika-3 sesyon ng Komite Sentral ng CPC sa darating na Hulyo sa Beijing.

 

Ang pangunahing ahensya ng sesyong ito ay kinabibilangan ng pagsasagawa ng Pulitburo ng ulat sa trabaho, pagtalakay sa mga isyung may kinalaman sa ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma at pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.

 

Sa pulong na ito, pinag-aralan din ng Pulitburo ang kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan ng bansa at gawaing pangkabuhayan, sinuri ang panukala hinggil sa pagpapasulong ng integrasyon ng pag-unlad ng Yangtze River Delta.

 

Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa ang pulong na ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil