Xi Jinping, nag-utos sa buong sikap na pagliligtas pagkaraan ng pagguho ng haywey sa Guangdong

2024-05-02 17:03:38  CMG
Share with:

 

Iniutos ngayong araw, Mayo 2, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa pamamagitan ng pinakamalaking pagsisikap, gawin ang pagliligtas at bigyang-lunas ang mga nasugatan, pagkaraan ng aksidente ng pagguho ng haywey sa lalawigang Guangdong sa katimugan ng bansa, na ikinamatay na ng 48 katao, at ikinasugat ng 30 iba pa.

 

Hiniling niyang pabilisin ang pagkumpuni ng nasirang haywey, at panumbalikin sa lalong madaling panahon ang kaayusan ng trapiko.

 

Sinabi rin ni Xi, na patuloy ang malakas na ulan sa ilang lugar ng Tsina, at umiiral ang posibilidad na maganap ang mga sakuna, kaya dapat siyasatin ng iba’t ibang lugar at mga may kinalamang departamento ang mga nakatagong panganib, para maiwasan ang mga katulad na aksidente.

 

Naganap kahapon ng madaling araw ang nabanggit na aksidente sa Meizhou-Dabu Expressway sa Meizhou, lalawigang Guangdong na apektado ng tuluy-tuloy na ulan nitong nakalipas na isang buwan. 17.9 metro ang haba ng naguhong bahagi ng haywey, na sumasaklaw ng pook ng 184.3 metro kuwadrado.


Editor: Liu Kai