Ipinahayag Mayo 2, 2024, ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na tulad ng sinabi ni Tagapagsalita Jay Tarriela ng Philippine Coast Guard, tumawid ang Pilipinas sa pulang linya sa isyu ng Huangyao Dao.
Tinukoy ng tagapagsalita, na batay sa proposal na iniharap noong 2016 ng Tsina, puwedeng isagawa ng mga mangingisdang Pilipino, sa pamamagitan ng maliliit na bapor pangisda, ang pangingisda sa mga nakatakdang bahagi, maliban sa lagoon, ng Huangyao Dao, at dapat iwasan ng mga bapor at eroplano ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at mga ahensiya ng pamahalaang Pilipino ang pagpasok sa karagatan sa loob ng 12 nautical miles ng Huangyan Dao at katumbas na himpapawid.
Anang tagapagsalita, nitong mahigit 7 taong nakalipas, sinunod ng panig Pilipino ang nabanggit na proposal, at walang problema ang pangingisda ng mga mangingisdang Pilipino sa mga nakatakdang bahagi ng karagatan ng Huangyan Dao.
Pero aniya, sinira ng kasalukuyang administrasyong Pilipino ang pagkakasundo, maraming beses na ipinadala ang mga bapor ng coast guard at mga ahensiya ng pamahalaan para pumasok sa karagatan sa loob ng 12 nautical miles ng Huangyan Dao, at hinikayat ang mga mangingisdang Pilipino na hamunin ang naturang proposal para isulong ang pulitikal na agenda nito.
Sinabi ng tagapagsalita, na hindi nahihiya si Tarriela na aminin ang katotohanang tumawid ang Pilipinas sa pulang linya sa isyu ng Huangyao Dao, at napilitan ang Tsina na gawin ang mga kinakailangang hakbang upang mapangalagaan ang sariling soberanya at mga karapatan at kapakanan sa dagat.
Dagdag ng tagapagsalita, bukod sa pagsira sa pagkakasundo tungkol sa pangingisda sa Huangyan Dao, tinalikuran din ng kasalukuyang administrasyong Pilipino ang mga pangako nito sa isyu ng Ren’ai Jiao, at itinakwil ang mga kasunduan ng ginoo, internal na pagkakaunawaan, at new model na narating kasama ng Tsina. Ito ay tunay na sanhi sa mga insidenteng pandagat na nagpalala ng tensyon sa South China Sea nitong nakalipas na ilang panahon, diin ng tagapagsalita.
Editor: Liu Kai