Inilabas kahapon, Mayo 3, 2024, ng mga think tank ang isang ulat na pinamagatang “Mga Progreso at Prospek ng Kooperasyon ng Tsina at European Union (EU) sa Kapaligiran at Klima.”
Nanawagan ang ulat para palalimin ang kooprasyong Sino-EU sa kapaligiran at klima, bilang bagong lakas na tagapagpasulong sa kanilang komprehensibo at estratehikong partnership.
Anang ulat, nitong ilang taong nakalipas, naitatag ang China-EU High-Level Environment and Climate Dialogue, at habang patuloy na pinatitingkad ang namumunong papel ng diyalogong ito sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at EU tungkol sa kapaligiran at klima, puwede ring gamitin ang ibang mga mataas na mekanismo para rito, halimbawa tatalakayin ang tungkol sa mga produkto at serbisyong pangkapaligiran at berdeng kalakalan sa China-EU High-Level Economic and Trade Dialogue.
Iminungkahi rin ng ulat, na pasulungin ng Tsina at EU ang koordinasyon sa mga patakaran sa kapaligiran at klima, palakasin ang berdeng partnership ng dalawang panig, likhain ang mga bagong paraan ng kooperasyon, at palawakin ang saklaw ng kooperasyon, para pasulungin ang pandaigdigang pangangasiwa ng kapaligiran at mga aksyon sa klima, at ibigay ang ambag sa mas malinis at magandang mundo.
Editor: Liu Kai