Unilateral na eksempsyon ng Bisa para sa mga Tsino, inanunsyo ng Cuba

2024-05-06 15:28:44  CMG
Share with:

Inanunsyo, Mayo 4, 2024, sa Ika-42 Cuban International Tourism Fair (FITCuba 2024), ni Juan Carlos Garcia, Ministrong Panturismo ng bansa, ang pagsasagawa ng polisyang “Libreng Bisa” para sa mga Tsinong may hawak ng ordinaryong pasaporte.

 

Aniya, ipapatupad ng Cuba ang nasabing hakbang simula ngayong Mayo 2024.

 

Kaugnay ng pagiging panauhing pandangal ng Tsina sa Cuban Tourism Festival 2025, sinabi ni Garcia na babalik ang direktang lipad sa pagitan ng dalawang bansa mula Mayo 17.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio