Pagbisita ng PM ng Cuba at pagdalo sa CIIE, tanggap ng Tsina

2023-11-02 16:30:23  CMG
Share with:

Mula Nobyembre 2 hanggang 9, 2023, dadalaw sa Tsina si Punong Ministro Manuel Marrero ng Cuba, at dadalo rin siya sa Ika-6 na China International Import Expo (CIIE).

 

Kaugnay nito, inihayag, Nobyembre 1, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mainit na pagtanggap kay Marrero.

 

Saad niya, ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Marrero sa Tsina, sapul nang manungkulan siya bilang punong ministro.

 

Makikipagtagpo at makikipag-usap sa kanya ang mga lider-Tsino, upang mapainam ang bilateral na relasyon at pag-usapan ang mga isyung panrehiyon at pandaigdig, dagdag ni Wang.

 

Anang tagapagsalitang Tsino, ang pagdalaw ni Marrero sa Tsina ay isa pang mahalagang pagpapalitan ng Tsina at Cuba sa mataas na antas, at ito ay importante para sa ibayo pang pagpapatupad ng mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at pagpapalalim ng bilateral na relasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio